dzme1530.ph

Pilipinas, nananatili bilang lower middle-income economy —World Bank

Nanatili ang Pilipinas bilang lower middle-income economy noong 2022, ayon sa World Bank, makaraang mangulelat ang gross national income (GNI) per capita ng bansa sa karamihan ng mga kapitbahay sa Timog Silangang Asya.

Sa website ng multilateral lender, umakyat naman ang GNI per capita ng Pilipinas sa $3,950 noong nakaraang taon, mas mataas ng 11.3% mula sa $3,550 noong 2021.

Gayunman, sa kabila ng increase ay bumagsak pa rin ang GNI per capita ng Pilipinas sa bracket ng World Bank para sa lower middle-income economies na $1,136 to $4,465.

Simula 1987 ay classified na ang Pilipinas bilang lower middle-income economy.

Sa Southeast Asia, naiiwan ang Pilipinas ng high-income economies, gaya ng Singapore na may 67,200 dollars GNI per capita at Brunei na may 31,410 dollars, maging ng upper middle-income economies, gaya ng  Malaysia na may $11,780; Thailand, $7,230 at Indonesia, $4,580. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author