dzme1530.ph

LPA nasa labas na ng PAR, posibleng malusaw ngayong araw

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) at posibleng malusaw na ito ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Ayon kay Obet Badrina, PAGASA weather specialist, asahan pa rin ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, lalawigan ng Bataan at Zambales dala ng southwest Monsoon o Hanging Habagat.

Sa kasalukuyan, wala na ani silang binabantayang LPA o bagyo sa labas ng PAR. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author