dzme1530.ph

Gilas Pilipinas Women, wala pa ring panalo sa 2023 FIBA Women’s Asia Cup sa Sydney, Australia

Wala pa ring panalo ang Gilas Pilipinas Women sa 2023 FIBA Women’s Asia Cup na ginaganap sa Sydney, Australia.

Ito’y makaraang matalo ang Gilas ng five-time defending champion na Japan, sa score na 95-57.

Nakapagtala si Veteran Afril Bernardino ng 12 points, 8 rebounds, 2 assists, 3 steals, at one block habang si Vanessa de Jesus ay nag-ambag din ng 12 points.

Kulelat ang Pilipinas sa record nitong 0-2 sa Pool B, habang ang Japan ay umakyat sa 2-0, ka-tie ang host na Australia na nangunguna sa team standing. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author