dzme1530.ph

Dating Senador at AFP Chief Rodolfo Biazon, ihahatid na sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani, mamaya

Ihahatid na sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani si dating Senador at AFP Chief of Staff Rodolfo Biazon, mamayang alas-11 ng umaga.

Kagabi ay nagsagawa ng Misa at Necrological Service, matapos dalhin ang labi ni Biazon sa Philippine Marine Corps Headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City, kung saan binigyan ito ng full military honors.

Sinabi ni PMC Commandant Major gen. Arturo Rojas na masaya sila dahil natupad ang huling bilin ng yumaong heneral na makauwi sa kanilang headquarters bago ilibing.

Pumanaw si Biazon noong June 12 matapos makipaglaban sa sakit na lung cancer at pneumonia, sa edad na 88. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author