dzme1530.ph

MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa Pinoy Seafarers sa Linggo

May libreng sa sakay sa MRT-3 at LRT-2 para sa mga marinong Pilipino sa Linggo, June 25, sa pagdiriwang ng “Day of the Filipino Seafarer.”

Sa Advisory, sinabi ng Department of Transportation na mag-a-alok ang Maritime Industry Authority (MARINA) ng Libreng Sakay sa LRT-2 simula ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at simula ala-5 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi.

Samantala, buong araw naman ang libreng sakay sa MRT-3, simula ala 5:30 ng umaga.

Kailangan lamang iprisinta ng mga Marino ang kanilang Valid seafarer’s record book o Seafarer’s Identity Document para ma-avail ang libreng sakay. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author