dzme1530.ph

MRT-3, hihirit din ng dagdag-pasahe

Inanunsyo ng pamunuan ng MRT-3 ang planong paghahain ng petisyon para sa dagdag-pasahe sa susunod na dalawang linggo.

Ayon kay MRT-3 Director Oscar Bongan, balak nilang humirit ng P2.29 increase sa boarding fee at P0.21 para sa bawat kilometro.

Una nang ipinaliwanag ni Transporation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na ang actual end-to-end fare per passenger ay P115.

Ibig sabihin aniya nito, sa kasalukuyan ay P85 kada pasahero ng MRT-3 ang sina-subsidize ng pamahalaan.

Kahapon ay inanunsyo ng Department of Transportation ang taas-pasahe sa LRT lines 1 at 2, epektibo sa August 2. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author