dzme1530.ph

BOC, NANANATILING ON TRACK PARA MAABOT ANG TARGET NGAYONG TAON

Loading

Nananatiling on track ang Bureau of Customs (BOC) para maabot ang kanilang ₱1.011-trillion collection target ngayong 2026.

Sa kabila ito ng disruptions dulot ng digital protest o welga ng customs brokers sa unang bahagi ng Oktubre.

Inilarawan ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang impact ng protesta bilang temporary.

Noong Oct. 5, hinimok ng Practicing Customs Broker Association Philippines, Inc. (PCBAPI) ang mga licensed customs brokers at importers na boluntaryong ihinto ang pagbisita sa import processing website ng BOC upang iprotesta ang pagdami ng empty containers at depot congestion.

Simula Oct. 1 hanggang 9, nakakolekta ang Customs ng ₱27.217 billion, na mas mababa ng 12.7% kumpara sa ₱31.191-billion target para sa naturang panahon.

About The Author