dzme1530.ph

MGA GUSALI AT BANGKO, SINILABAN NG MGA NAGPO-PROTESTANG ESTUDYANTE SA TIRANA, ALBANIA

Loading

Libo-libong mga estudyante ang sumugod sa mga lansangan ng Tirana, na kabisera ng Albania, saka sinilaban ang isang government building at dalawang bangko.

Pinagbabato rin ng mga raliyista ang mga pulis sa gitna ng kilos-protesta bunsod ng tumataas na gastusin sa edukasyon at korapsyon.

Rumesponde ang mga awtoridad sa pamamagitan ng water cannons at tear gas para ma-disperse ang mga nagpo-protesta.

Sinunog ng mga raliyista ang Ministry of Education building at branch ng Raiffeisen Bank habang itinumba ang mga basurahan at pinagbababasag ang harapan ng mga lokal na negosyo.

Sa Facebook, inihayag ni Deputy Prime Minister Albana Kociu na lehitimong karapatan ang pagra-rally, subalit hindi ito maaaring gamiting dahilan para manggulo, manira, at makipag-away sa gitna ng kalsada.

About The Author