![]()
Dalawang cargo ships ang lumubog malapit sa Strait of Hormuz makaraang tamaan ng unknown projectiles sa magkahiwalay na insidente.
Ang tumataas na panganib sa shipping ay sa gitna ng pinaigting na pag-atake ng Iran para tangkaing bawiin ang kontrol sa mahalagang waterway.
Ayon sa Marine and Port Authority of Singapore, inatake ang Singapore-registered container ship na GFS Pride na nagresulta ng pagkasunog nito at kalaunan ay lumubog.
Sa datos naman mula sa International Maritime Organization, lumubog din ang merchant vessel na Cape Dao na naka-rehistro sa ilalim ng Antigua and Barbuda, matapos atakihin ng projectile.
