dzme1530.ph

2 environmental activists, ipinaaaresto ng Korte sa Bulacan

Ipinag-utos ng isang Korte sa Bulacan ang pag-aresto laban sa environmental activists na sina Jhonila Castro at Jhed Tamano bunsod ng Grave Oral Defamation.

Itinakda ni Presiding Judge Jonna Veridiano ang piyansa para kina Castro at Tamano sa halagang P18-K.

Nitong Pebrero 15, ay kinatigan ng Supreme Court ang Writ of Amparo at Habeas Data ng dalawang aktibista, dahil umano sa mga banta at paglabag sa kanilang buhay, kalayaan, at seguridad.

Nag-ugat ang kaso nang aprubahan ng Department of Justice ang pagsasampa ng asunto laban kina Castro at Tamano, nang isiwalat nila sa mismong press conference ng NTF-ELCAC noong Sept 2023, na dinukot sila ng mga sundalo.

About The Author