dzme1530.ph

WALO KATAO, NASAWI; 18 IBA PA, NAWAWALA SA PAGLUBOG NG FERRY SA NORTH CYPRUS

Loading

Hindi bababa sa walong katao ang nasawi habang labing-walong iba pa ang nawawala matapos lumubog ang isang ferry sa North Cyprus.
 
Patungo sana ang privately owned ferry na umalis sa Port of Kyrenia sa Turkish Port of Tasucu sa Eastern Mediterranean nang mangyari ang trahedya.
 
Ayon sa report, may lulang 267 katao ang ferry, kabilang ang walong crew habang 241 ang nasagip.
 
Nangyari ang insidente sa karagatan ng Kyrenia, isang sikat na holiday resort para mga lokal at dayuhang turista.
 
Isa ang ferry sa maraming shuttle sea services na nag-uugnay araw-araw sa North Cyprus na hiwalay at hindi kinikilalang Turkish Cypriot state sa Turkey.

About The Author