![]()
Nanawagan si Vice President Sara Duterte para sa mas malawak na aksyon ng gobyerno upang protektahan ang komunidad at suportahan ang mga biktima ng terorismo.
Sa gitna ito ng paggunita sa International Day of Remembrance and Tribute to the Victims of Terrorism kasabay ng Ninoy Aquino Day.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Bise Presidente na hindi lamang pansamantala ang pinsalang dulot ng terorismo dahil sinisira nito ang takbo ng buhay ng susunod na henerasyon.
Nananatili anyang buhay ang banta ng karahasan sa maraming pamilyang Pinoy at nangangailangan ng aksyon ng gobyerno.
Ipinaalala niyang responsibilidad ng estado na tiyaking muling babangon ang mga komunidad na naapektuhan ng mga karahasan.
