![]()
Posibleng tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa huling linggo ng Agosto.
Batay sa apat na araw na trading sa world market, posibleng madagdagan ng 2.23 pesos ang bawat litro ng diesel; 1.40 pesos sa kada litro ng gasolina at 1.51 pesos sa bawat litro ng kerosene.
Resulta pa rin ito sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Kung hihigit sa dalawang piso ang dagdag sa bawat litro ng diesel, posibleng umabot na sa 90 pesos per liter level ang presyo nito sa ilang lugar.
