![]()
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanan na matuto sa mga leksyon ng kasaysayan at ipagpatuloy ang pagbibigay-proteksyon sa demokrasya, kalayaan at national unity.
Ginawa ito ng Pangulo sa kanyang mensahe para sa paggunita sa Ninoy Aquino Day ngayong Biyernes at pagkilala sa legasiya ng dating senador.
Sinabi ng Pangulo na ang araw na ito ay paalala sa mga Pinoy para manindigan at tumulong sa democratic journey ng bansa.
Idinagdag ng Punong Ehekutibo na maaaring nagbabago ang mga pagsubok sa demokrasya ng bansa sa paglipas ng panahon, subalit mayroong responsibilidad ang lahat upang ito ay patatagin.
Kabilang sa mga kasalukuyang problema ay ang disinformation, pagkakahati-hati, kawalan ng tiwala at civic indifference.
