Plano ng Commission on Elections (COMELEC) na isama ang ‘Voter’s Education’ sa curriculum ng K-12 program ng Department of Education (DepEd) para sa murang edad pa lamang ng mga mag-aaral ay matututunan na ang tamang paraan ng pagboto sa eleksyon.
Sa pagpaptuloy ng National Election Summit, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na maaaring maumpisahan ang pagtuturo nito kahit sa mga mag-aaral sa Kinder level.
Suportado naman ito ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na sinabing bukas siya sa pagsama nito sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Samantala, hiniling rin ng kalihim ng edukasyon sa COMELEC kung maaaring i-advance na nito ang pagbabayad ng ‘honorarium’ sa mga guro, na magsisilbi sa darating na mga halalan.
Ipinaliwanag niya VP Sara, na pangunahing reklamo ng mga guro ang pagkakaantala ng pagbabayad at pahirapang pagsingil.
Sinabi naman ni Garcia na ginawa na nila ito noon pa, nang magbigay sila ng 50% advance sa mga guro, ngunit naging problema nila, dito nang marami sa mga nabayaran ng advance, ay hindi naman nagpakita sa araw ng eleksyon.
Noong nakaraang halalan ng Mayo 2022, iniulat ni Garcia na agad namang nabayaran, ang mga guro, 15 araw matapos ang eleksyon.