dzme1530.ph

COMELEC, gumastos ng P10-M para sa 3-day National Election Summit

Nakapag-laan ang COMELEC ng tinatayang P10-M pondo para sa huling araw ng pagdaraos ng 3-araw na National Election Summit sa isang hotel sa Pasay City.

Sa pahayag ni Chairman George Garcia, hindi naman nanggaling ang pondong ito sa regular na budget ng komisyon kundi ito ay hinugot sa naging “savings” ng COMELEC. 

Paalala ni COMELEC Chairman Garcia sa publiko na huwag mabahala ang sambayanan sapagkat hindi naman kinuha sa regular budget.

Asahan din ang pagdating ng ating Pangulo Ferdinand Bongbong Marcos Jr,  para magbigay ng talumpati sa nasabing activity ng komisyon, kaya asahan na mayroong mahigpit na siguridad.

About The Author