dzme1530.ph

Deadline sa Sim Registration, posibleng palawigin

Posibleng palawigin ng Dept. of Information and Communications Technology ang deadline sa pagpapa-rehistro ng sim numbers sa ilalim ng mandatory Sim Registration.

Ayon kay DICT Usec. Anna Mae Lamentillo, pinag-uusapan pa nila ang posibleng pagdaragrag ng 120 araw sa palugit.

Sinabi pa ni Lamentillo na may prerogative ang DICT na i-extend ang deadline sa Sim Registration.

Sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission, umabot na sa mahigit 42 million ang nai-rehistrong sim numbers mula sa kabuuang 168 million subscribers nationwide.

Sa ngayon ay tinututukan muna ng DICT ang pagpapataas ng bilang ng registered sims bago ang deadline sa Abril a-26.

About The Author