dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP, BINATIKOS SI POPE LEO; TINAWAG NA “WEAK” AT “TERRIBLE” ANG SANTO PAPA

Loading

Binanatan ni Donald Trump si Pope Leo, kung saan tinawag niya ang Santo Papa na “weak” sa crime at “terrible” sa foreign policy.
 
Ito’y matapos punahin ng lider ng Simbahang Katolika sa buong mundo ang foreign at immigration policies ng US President.
 
Sa kanyang post sa social media, tahasang sinabi ni Trump na hindi siya fan ni Pope Leo, at ayaw niya ng Santo Papa na sa tingin ay ayos lang sa Iran na magkaroon ng nuclear weapon.
 
Bagaman walang binanggit na pangalan, una nang inihayag ng American pope na hindi nakikinig ang Diyos sa dasal ng mga nagpapasimula ng digmaan, bagkus ay tinatanggihan sila.

About The Author