dzme1530.ph

US PRESIDENT DONALD TRUMP AT IBA PANG QUAD LEADERS, NAGPULONG SA PAGTATAPOS NG ASEAN SUMMIT SA PILIPINAS

Loading

Nagsagawa ang Quad countries na kinabibilangan ng US, Australia, Japan, at India ng leaders’ summit sa Pilipinas bago ang pagtatapos ng ASEAN Summit.
 
Nagpulong sina US President Donald Trump, Australian Prime Minister Anthony Albanese, Japanese Prime Minister Sanae Takaichi, at Indian Prime Minister Narendra Modi, pagdating ng US leader sa bansa.
 
Ayon sa US State Department, ang Quad ay diplomatic partnership sa pagitan ng apat na bansa na committed sa pagsusulong ng malaya at bukas na Indo-Pacific.
 
Sa kanyang opening remarks, pinuri ni Trump ang navies ng Quad nations sa katatapos lamang na Malabar joint naval exercise malapit sa Japan, kung saan nagsagawa ang personnel ng submarine at anti-surface warfare drills.
 
Inanunsyo rin ng US leader ang kauna-unahang Quad Business Leaders Forum na itinakda sa 2027.

About The Author