dzme1530.ph

CHOCO MUCHO, NATAKASAN ANG CREAMLINE SA NAGPAPATULOY NA PVL SIKLAB SERIES

Loading

Natakasan ng Choco Mucho ang Creamline sa five-set thriller, 23-25, 25-13, 25-23, 22-25, at 15-13, sa nagpapatuloy na PVL All-Filipino Conference Siklab Series, sa Smart Araneta Coliseum.
 
Pinangunahan ni Sisi Rondina ang Flying Titans sa kanyang 20 points mula sa 18 attacks, isang ace, at isang block, sa kanilang pagrekober mula sa magkasunod na talo sa Nxled at Akari.
 
Nagdagdag si Caitlin Viray ng 11 points habang nakapagtala si Jewel Encarnacion ng 10 points para sa Choco Mucho.
 
Nanguna naman sa Creamline si Jema Galanza na gumawa ng 16 points habang nagdagdag si Bernadeth Pons ng 14 points.
 
Nag-ambag din sina Tots Carlos at Pangs Panaga ng 13 points at 10 points para sa Cool Smashers.
 
Dahil dito, umakyat ang Choco Mucho sa 4-3 habang bumaba sa 4-2 ang Creamline.

About The Author