dzme1530.ph

WALO KATAO, PATAY SA PAGGUHO NG APARTMENT BUILDING SA BROOKLYN, NEW YORK

Loading

Walo ang nasawi matapos mag-collapse sa katabing construction site ang isang apartment building sa Brooklyn, ayon kay New York City Mayor Zohran Mamdani.
 
Sinabi ng alkalde na hindi bababa sa 17, kabilang ang tatlong bumbero, ang nasugatan sa naturang insidente.
 
Inihayag ng Fire Department na gumuho ang three-story building sa Flatbush area sa Brooklyn, saka bumagsak sa katabing construction site kung saan nagsasagawa ng excavation o paghuhukay.
 
Sa report ng New York television station, hindi bababa sa apat katao ang nasagip, mahigit dalawang oras matapos ang pagguho, kabilang ang isang buntis.

About The Author