dzme1530.ph

SANDARA PARK, NAG-CELEBRATE NG BIRTHDAY SA PILIPINAS

Loading

Sa Pilipinas ipinagdiwang ng K-pop idol na si Sandara Park ang kanyang birthday.
 
Sa Instagram, ibinahagi ng tinaguriang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas ang mga litrato mula sa kanyang masayang birthday bash, tampok ang life-sized standee na tumutugtog ng gitara at cake na may kaparehong topper.
 
Sa comments section, nagpaabot ng pagbati kay Sandara ang close friend na si Joross Gamboa sa kanyang special day.
 
Bumalik sa Pilipinas si Sandara ngayong Nobyembre para sa isang brand event, at sa kanyang pananatili sa bansa, nakasama niyang muli si Joross at nakipag-bonding kay apl.de.ap.
 
Itinuturing ng 2NE1 member ang Pilipinas bilang kanyang second home at nito lamang Abril ay bumisita siya sa bansa para magbakasyon. 

About The Author