![]()
Magsasagawa ng road reblocking and repairs sa southbound portion ng EDSA simula ngayong Biyernes, Nov. 13 hanggang 15.
Sa advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH), saklaw ng repairs ang EDSA southbound simula Caloocan hanggang Quezon City.
Bahagi ito ng Phase 2 ng EDSA Rehabilitation Project.
Magsisimula ang repairs mamayang 10 p.m. at muling bubuksan ang mga kalsada sa Lunes, Nov. 16, 5 a.m.
Tiniyak naman sa publiko ni DPWH Secretary Giovanni Lopez na hindi makakaabala ang repair works sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Metro Manila simula Nov. 16 hanggang 18.
