dzme1530.ph

Tips kung paano mapapanatili ang 20/20 vision, alamin!

Ang pagkakaroon ng malinaw na paningin o perfecrt vision ay nagpapakita ng mabuting kalusugan.

Narito ang ilang tips upang maalagaan at mapanatiling malinaw ang mga mata.

Una, kumain ng maraming gulay at prutas tulad ng carrots, kamatis, mangga at melon lalo na ang mga berdeng talbos ng gulay dahil mayaman ito sa anti-oxidants, vitamin A, C, at E.

Pangalawa, kumain ng isda na mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tamban, tawilis, hipon, salmon, tuna, tulingan at salinyasi.

Pangatlo, uminom ng walo hanggang labing-dalawang baso ng tubig kada araw upang maiwasan ang dry eyes.

Pang-apat, mag-suot ng sunglasses na panlaban sa ultraviolet A at B rays.

At pang-huli, iwasan ang paggamit ng mga gadget sa loob ng mahabang oras.

About The Author