dzme1530.ph

Taiwan Ex. Pres. Ma Ying-Jeou, nakatakdang bumista sa China sa susunod na linggo

Nakatakdang bumisita ang dating pangulo ng Taiwan na si Ma Ying-Jeou sa China sa susunod na linggo.

Ayon sa kampo ni Ma, bibisita ito mula March 27 hanggang April 7, 2023 at magtutungo sa mga lungsod ng Shanghai, Chongqing, Changsha, Wuhan, at Nanjing.

Ang nasabing biyahe ay kasabay ng patuloy na nararanasang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Samantala, hindi nabanggit kung makakapulong niya ang ilang opisyal ng China.

About The Author