dzme1530.ph

DOJ, hindi kumporme sa panukalang independent commission sa war on drugs

Umalma si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla sa panukalang independent commission para busisiin ang mga kaso ng pagpatay sa laban ng pamahalaan kontra droga.

Ayon kay Remulla, may kakayanan ang pamahalaan at gumagana naman ang justice system ng Pilipinas para imbestigahan ang drug war killings.

Gayunman, aminado ang Justice Secretary na duda sya sa nasabing komisyon dahil marami na rin ang nagpanukala sa kanya na walang napala mula rito.

About The Author