dzme1530.ph

MAHIGIT 8.7K NA PASYENTE, TINUGUNAN NG PHILIPPINE RED CROSS SA PAGGUNITA NG UNDAS

Loading

Umabot sa mahigit 8,721 na mga pasyente sa buong bansa ang natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) simula Oct. 29 kaugnay sa paggunita ng Undas.
 
Batay sa latest operational report ng PRC, as of 9 a.m. kanina, lahat ng 8,721 patients ay tumanggap ng vital sign monitoring.
 
Sinabi ng ahensya na 359 ang itinuring na minor cases, habang 19 ang tinukoy na major cases.
 
Kabilang sa minor cases ay pagkahilo, pananakit ng ulo, gasgas o sugat, pulikat, hypertension, lagnat, pagkapaso, at injuries mula sa nagbanggaang motorsiklo.
 
Ang major cases naman ay kinabibilangan ng pananakit ng dibdib, seizures, suspected stroke, cardiac arrest, heat stroke, at hirap sa paghinga.
 
Ayon sa PRC, siyam na pasyente ang dinala sa ospital bunsod ng kondisyon, gaya ng stroke, panghihina ng katawan, nawalan ng malay, at hypoglycemia.

About The Author