![]()
NANAWAGAN si Senador Francis Kiko Pangilinan sa pamahalaan na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Iginiit ni Pangilinan ang pangangailangang magsagawa ng crackdown sa mga hoarders, profiteers, at cartels sa gitna ng paghahanda sa epekto ng Super El Niño sa food production at presyo.
Hinimok niya ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), at Price Coordinating Council na palakasin ang market monitoring at magrekomenda ng price ceilings kung kinakailangan upang protektahan ang mga consumer laban sa mga pag-abuso.
Ipinaalala ni Pangilinan na alinsunod sa Republic Act No. 7581 o Price Act, ipatutupad ang automatic price control sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity.
Pinaiimbestigahan din ng senador sa mga ahensya ng gobyerno at law enforcement authorties at tiyaking mananagot ang mga abusadong negosyante.
Iginiit ni Pangiliinan na ang panawagan ng taumbayan ay ikulong ang mga mapagsamantala.
Sa ilalim ng Section 15 ng Price Act, ang illegal price manipulation ay may katumbas na parusang pagkabilanggo ng lima hanggang 15 taon at multang mula ₱5,000 hanggang ₱2 million.
