dzme1530.ph

PINAY TENNIS STAR ALEX EALA, MAKAKASAGUPA SI ALYCIA PARKS NG US SA FIRST ROUND NG HONG KONG TENNIS OPEN BILANG NO. 2 SEED

Loading

Magsisimula ngayong Lunes ang main draw ng Hong Kong Tennis Open, kung saan seeded No. 2 ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa WTA 250 tournament.
 
Makakasama ng 21-year-old Pinay tennis star na kasalukuyang World No. 19 ang top seed na si Sorana Cirstea ng Romania; Leylah Fernandez ng Canada; at Maria Sakkari ng Greece.
 
Gayundin sina Talia Gibson ng Australia; Wang Xinyu ng China; Liudmila Samsonova; at British player Katie Boulter na kabilang sa top seeds ng tournament.
 
Inaasahang maglalaro rin ang tennis icon na si Venus Williams na nakatanggap ng wildcard, at mga dating nakalaban ni Eala na sina Alina Charaeva, Maya Joint, at Dayana Yastremska, pati na ang kaibigang si Zeynep Sonmez.
 
Makakasagupa ng Pinay tennis sensation si Alycia Parks ng US sa first round ng tournament, na pangatlo na nilang career meeting at pangatlong showdown ngayong taon.

About The Author