dzme1530.ph

ALAMIN ANG HINDI MAGANDANG EPEKTO NG FABRIC CONDITIONER SA KALUSUGAN

Loading

Epektibong paraan ng pagpapalambot ng damit at pagbibigay ng mabangong amoy ang fabric conditioner. Gayunman, pinag-iingat ng mga health experts ang publiko sa posibleng epekto ng ilang sangkap nito sa kalusugan.
 
Ang fabric conditioner o fabric softener ay may mga sangkap na naiiwan sa hibla ng damit upang mapalambot ito at mabigyan ng halimuyak.
 
Subalit, ang ilang fragrance at chemical ingredients nito ay maaaring magdulot ng iritasyon o allergic reaction, lalo na sa mga taong sensitibo sa matitinding pabango.
 
Ilan sa mga posibleng epekto nito ay ang:
 
1. Skin irritation at allergic dermatitis
Maaaring magdulot ng pangangati, pamumula, pagkakaroon ng rashes at pagkatuyo ng balat ang ilang sangkap ng fabric conditioner na naiiwan sa damit.
 
2. Pag-trigger ng hika at allergies
Ang matitinding fragrance ay maaaring magpalala ng sintomas ng hika at allergic rhinitis, kabilang ang pagbahin, sipon, pag-ubo at paghingal.
 
3. Iritasyon sa ilong, mata at lalamunan
Ang paglanghap sa ilang fragrance chemicals ay maaaring magdulot ng iritasyon sa mata, ilong at lalamunan.
 
4. Pananakit ng ulo at pagkahilo
May mga taong nakararanas ng headache, migraine, pagkahilo at pagduduwal kapag nalalantad sa matitinding amoy.
 
5. Paglala ng mga problema sa paghinga
Sa mga taong may hika o iba pang respiratory conditions, maaaring mag-trigger ng pag-ubo, paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ang mga fragrance.
 
Upang maiwasan ang hindi magandang dulot nito, mas makabubuting pumili ng fragrance-free o unscented fabric conditioner; sundin ang tamang dami ng produktong nakasaad sa label; siguraduhing maayos ang pagbanlaw ng mga damit; iwasang gamitan ng matinding pabango ang damit at kumot ng mga taong may sensitibong balat; at panatilihing maaliwalas ang labahan at may maayos na ventilation.

About The Author