![]()
Nagbabala si Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr. na posibleng makaranas ng dry condition o tagtuyot hanggang matapos ang March 2027 ang lahat ng lalawigan sa bansa dahil sa El Niño.
Inilarawan ng PAGASA ang dry condition bilang dalawang magkasunod na buwan na below normal rainfall conditions.
Ipinaliwanag din ni Solidum na dry spell naman maituturing kung tatlong buwang magkakasunod na ang mas mababa sa normal na rainfall conditions.
Drought naman kung tatlong magkakasunod na buwan na may below normal o limang magkakasunod na buwan na below normal rainfall condition.
Sa ngayon, ayon kay Solidum, pitong lalawigan na ang nakakaranas ng drought at inaasahang madaragdagan pa sa mga susunod na buwan.
Sa tanong naman kung maaari itong magresulta sa water crisis, sinabi ni Solidum na depende ito sa paggamit ng tubig ng gobyerno at ng publiko.
