![]()
I-a-upgrade ang Rizal Memorial Tennis Center bilang paghahanda sa hosting ng bansa sa dalawang WTA events sa 2027, ayon sa Philippine Sports Commission (PSC).
Matapos ang matagumpay na pag-host sa WTA 125 Philippine Women’s Open noong nakaraang taon, muli itong idaraos sa bansa sa Enero sa susunod na taon.
Nakatakda ring isagawa ang hiwalay na WTA 250 event sa November 1-7 sa Maynila, ayon naman sa Philippine Tennis Association (Philta).
Inihayag ni PSC Chairman Patrick Gregorio na mayroong dalawang lungsod na nais mag-host ng WTA 250, subalit titingnan pa nila ang magiging progreso nito.
May plano rin aniya na magtayo ng regional hubs para sa tennis upang palakasin ang grassroots development ng naturang sport.
