![]()
Maliit ang posibilidad na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Sinlaku.
Ayon sa PAGASA, hindi rin ito makakaapekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Sa pinakahuling monitoring, ang Super Typhoon Sinlaku ay may lakas na 205 kilometers per hour at pagbugso na hanggang 250 kilometers per hour.
Huling namataan ang Super Typhoon 2,580 kilometers silangan ng Visayas at kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Patuloy namang makakaranas ng mainit na panahon ang Pilipinas.
Ito ay makaraang lumawak ang epekto ng high pressure sa Northern Luzon.
