![]()
Nag-isyu na ng subpoena ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa imbestigasyon sa extrajudicial killings sa Davao noong siya pa ang hepe ng city at regional police.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, batay sa subpoena, pinahaharap si dela Rosa sa CIDG sa Camp Crame sa Huwebes, 10 a.m.
Una nang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na na-trigger ang imbestigasyon sa sinasabing red notice laban kay dela Rosa.
Sinabi ni Remulla na may kinalaman ito sa mahigit isandaang reklamo ng extrajudicial killings noong city director at regional director ng pulisya sa Davao si dela Rosa.
Wala anyang kinalaman ang imbestigasyon ng CIDG sa kaso sa International Criminal Court.
