dzme1530.ph

SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA DECEMBER 26 IDINEKLARA NI PBBM.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang araw ng Lunes, December 26 bilang Special Non-working Holiday.

Ayon sa Office of the Press Secretary, ang paglalabas ng Proclamation No. 115 ay upang masulit ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng Holiday kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Nakasaad sa prolamakasyon na sa pamamagitan ng mas mahabang weekend ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga pamilya na magkasama nang matagal at pagtibayin ang kanilang relasyon sa mas produktibong kapaligiran at maisusulong pa ang turismo.

Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng nararapat na Circular sa pagpapatupad ng proklamasyon para sa pribadong sektor.

About The Author