dzme1530.ph

BIGTIME NA TAAS-PRESYO SA LANGIS, IPINATUPAD MATAPOS ANG APAT NA LINGGONG OIL PRICE ROLLBACK.

Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bigtime na taas-presyo sa produktong petrolyo.

Ito ay matapos ang apat na linggong magkakasunod na oil price rollback.

Pagsapit ng alas-sais ng umaga ngayong araw ng Martes, Disyembre a bente, epektibo na ang dagdag na dos pesos at nobenta sentimos sa kada litro ng Diesel.

Tumaas din ng sitenta sentimos ang singil sa kada litro ng gasolina, at piso at sisenta’y singko sentimos sa kada litro ng Kerosene.

Kabilang sa mga naganunsyo ng oil price hike ang pilipinas Shell, Chevron, Petron, Flying V, Jetti Petroleum, Petro Gazz, Phoenix, PTT Philippines, Seaoil, at Cleanfuel.

Una nang sinabi ng Department of Energy na ang taas-singil sa langis ay bunsod ng muling pagtaas ng demand sa china matapos luwagan ang COVID-19 restrictions.

About The Author