dzme1530.ph

Singil ng Meralco, madaragdagan ngayong Marso

Loading

Asahan ng mga customer ng Meralco ang mas mataas na bill sa kuryente ngayong buwan.

Bunsod ito ng pagpapatupad ng power distributor ng umento sa kanilang household rate.

Sa advisory, sinabi ng kumpanya na dinagdagan nila ng ₱0.26 per kilowatt-hour ang kanilang singil sa kuryente ngayong Marso.

Nangangahulugan ito na ang mga kumu-konsumo ng 200 kilowatt hour ay tataas ng ₱52 pesos ang kanilang babayaran ngayong buwan.

About The Author