![]()
TINIYAK ni Senate Finance Committee Chairperson Sen. JV Ejercito na magsasagawa ang Senado ng independent review ng panukalang ₱7.2 trilyong national budget para sa 2027.
Sinabi ni Ejercito na itutuwid nila ang mga pagkakamali sa bersyon ng Senado kung may makikitang problema sa panukalang batas na nauna nang inaprubahan ng Kamara.
Binigyang-pansin ni Ejercito ang babala ng mga budget watchdog at civil society group tungkol sa realignment sa House version ng panukalang 2027 national budget.
Sinabi ni Ejercito na seryoso ang mga tanong ng mga watchdog na dapat ding idaan nila sa seryosong pagbusisi.
Ang pag-amyenda anya ng budget ay bahagi ng legislative process at anumang pagbabago ay dapat mayroong malinaw na basehan na puwedeng ipaliwanag sa publiko.
Nanawagan din siya para sa isang matatag na Calamity Fund para makapaghanda sa Super El Niño kasunod ng mga ulat na malaki ang ibinawas para dito.
