![]()
Aminado si Senador Robinhood Padilla na may posibilidad na hindi na dumalo ang kanilang grupo sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay kung tuluyang mababalewala ang mga probisyon ng Konstitusyon hinggil sa isyu ng voting threshold para sa conviction kay VP Sara.
Sinabi ni Padilla na marami nang kagulat-gulat na pangyayari subalit sila ay naninindigan na dapat manaig ang nilalaman ng Saligang Batas.
Ito anya ang dahilan ng paghahain nila ng petition for certiorari sa Korte Suprema laban sa bagong ruling ng Impeachment Court sa voting threshold.
Iginiit ni Padilla na hindi nila gustong mabaluktot ang batas at kapag hindi natigil ang pagbabaluktot ng batas ay posibleng dumating ang punto na hindi na sila dumalo sa paglilitis.
