![]()
Hindi malayong umabot sa ₱1.6-B ang unexplained wealth ni VP Sara Duterte Carpio.
Ang pagtaya ay ginawa ni House impeachment adviser at spokesperson Robert Ace Barbers, kasunod ng testimonya ni prosecution financial forensic expert Atty. Alexander Cabrera.
Paliwanag ni Barbers, ang ₱817.87-M umano’y undeclared assets at income na tinukoy ni Atty. Cabrera ay base lamang sa “conservative calculations.”
Dagdag pa ni Barbers, sa testimonya naman ng AMLC o Anti-Money Laundering Council, ₱4.4-B ang covered at suspicious bank transactions ang naitala.
Ang AMLC covered transactions ay mula 2007 hanggang 2025, at ito ay kinapapalooban ng ₱1.63-B inflows, ₱1.31-B outflows, at ₱1.46-B na posibleng inflow o outflow.
Samantalang sa report ni Cabrera, ang ₱817.87-M ay pagtaya lamang sa panahon na Bise Presidente na si Sara o mula 2022 hanggang 2025 lamang.
Dahil sa mga pigurang ito, sinabi ni Barbers sa hypothetical estimate, puwedeng madoble ang ₱817.87-M na undeclared na pagtaya ni Cabrera.
