![]()
Nakakulong na si Sen. Jinggoy Estrada sa New Quezon City Male Dormitory Jail sa Payatas, Quezon City, matapos itong isyuhan ng Sandiganbayan ng warrant of arrest para sa non-bailable case na plunder.
Dakong alas-otso kagabi nang dumating sa Quezon City Jail ang convoy ni Estrada mula sa Sandiganbayan para sa return of warrant.
Una munang sumailalim ang senador sa booking procedures sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City kasunod ng inilabas na warrant ng Fifth Division ng anti-graft court.
Unang inihayag ni Estrada na boluntaryo siyang sumuko sa PNP-CIDG, subalit kinontra ito ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa pagsasabing inaresto nila ang mambabatas sa loob ng Senado.