dzme1530.ph

SUSPENSION SA RAW UBE EXPORTS, POSIBLENG TUMAGAL NG ISANG TAON, AYON AGRICULTURE CHIEF

Loading

Posibleng tumagal ng hanggang isang taon ang suspension sa pag-export ng hilaw na ube, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sinabi ng kalihim na ina-assess pa nila ang timeline matapos unang ianunsyo ang indefinite suspension sa raw exports ng purple yam, subalit maaaring abutin ito hanggang sa susunod na taon.

Inanunsyo ang suspensyon noong Setyembre upang palakasin ang domestic production.

Saklaw ng export ban ang ube na maaaring gamitin bilang propagative planting material.

Una nang inihayag ng Agriculture Department na humihirit sila ng ₱300 million na pondo para palawakin ang produksyon ng ube ng 1,000 hectares upang maabot ang tumataas na global demand para sa purple root crop.

About The Author