dzme1530.ph

DATING DPWH SECRETARY MANUEL BONOAN, DINALA SA PNP HOSPITAL MATAPOS SUMUKO SA MGA AWTORIDAD

Loading

Dinala si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa PNP General Hospital matapos sumuko sa mga awtoridad sa kasong plunder, kaugnay ng flood control scandal.
 
Sa press briefing, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na boluntaryong nagtungo si Bonoan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame sa Quezon City.
 
Aniya, mananatili sa PNP hospital ang dating kalihim hanggang sa mag-stabilize ang blood pressure nito na pumalo sa 192/100 at kapag binigyan ng signal ng doktor na kaya nitong humarap sa paglilitis at saka ito dadalhin sa Sandiganbayan.
 
Idinagdag ni Remulla na sa ngayon ay nasa ilalim ng full security si Bonoan, hindi ito makakalabas at restricted access ang pagpunta sa kanya.
 
Sumailalim si Bonoan sa initial processing procedures kasama ang iba pang mga akusado, kabilang si Senador Jinggoy Estrada na inaresto sa Senado kahapon.

About The Author