![]()
Nanatili si Senador Bam Aquino bilang most favorable senator sa ikatlong sunod na quarter, batay sa PAHAYAG 2026 Survey ng Publicus Asia.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 28 hanggang 30, 2026 sa 1,509 respondents.
Sa naturang survey, nakapagtala si Aquino ng 57% net favorable rating, kung saan 29% ang nagsabing very favorable at 28% ang favorable ang kanilang pananaw sa kanya.
Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng mataas na pabor sa senador ang pagpasa ng Free College Law at ang kanyang papel sa pagsusulong ng mas malaking pondo para sa edukasyon.
Lumitaw rin sa survey na 60% ng mga respondent ang naniniwalang independent-minded ang senador at hindi madaling maimpluwensyahan.
Matatandaang nakapagtala si Aquino ng 59% net favorable rating sa PAHAYAG 2026 First Quarter Survey ng Publicus Asia at 54% net favorable rating sa PAHAYAG 2025 End-of-Year Survey.
