![]()
ILANG hakbangin ang inirekomenda ni Senator-judge Ping Lacson para mabawasan ang pagkaantala sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos hindi maisalang sa witness stand noong Miyerkules ang dapat sana’y susunod na testigong haharap na si NBI Regional Director Jeremy Lotoc.
Kabilang sa suhestyon ni Lacson ay ang paglinya sa mga testigo ng dipensa at prosekusyon para sa linggong ito na dapat ay nakapwesto sa holding room para sakaling matapos ng maaga ang isang testigo ay mayroong isasalang agad upang hindi masayang ang kanilang araw.
Nilinaw naman ni Lacson na hindi ito pagmamadali para makompromiso ang pagprisinta ng ebidensya kundi para hindi lamang masayang ang araw.
Sinabi ni Lacson na kung magpapatuloy ang sistema na halos isang testigo lang sa kada linggo ay posibleng tumagal hanggang Pasko o higit pa ang paglilitis.
Sinabi pa ni Lacson na si VP Sara ay entitled din sa mabilis na paglilitis tulad ng ibang respondent kaya marapat lamang na makabuo sila ng paraan para mapabilis ang proceedings.
