![]()
Magpapatupad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng pansamantalang pagbabago sa drop-off lane para sa mga pasahero.
Layunin nito na bigyang-daan ang instalasyon ng canopy sa departure curbside ng terminal.
Ayon sa advisory ng NAIA, epektibo ang naturang pagbabago mula Hulyo 15 hanggang Agosto 14, simula 9:00 p.m. hanggang 4:00 a.m.
Sa nasabing panahon, maaaring ibaba ang mga pasahero sa kaliwang bahagi ng lane dahil pansamantalang isasara ang kanang bahagi para sa mga sasakyan.
Samantala, pansamantala ring isasara ang inner departure lane sa mga nabanggit na oras, ngunit magpapatuloy ang drop-off operations sa pamamagitan ng mga natitirang lane.
