dzme1530.ph

MISSILES, NAHARANG MALAPIT SA RIYADH MATAPOS TARGETIN NG SAUDI COALITION ANG FUEL DEPOT SA YEMEN

Loading

Ipinakita ng Palasyo at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung paano gumagana ang portable water filtration system na maaaring makatulong sa mga Pilipino sa pagproduce ng inuming tubig sa gitna ng El Niño.

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang demonstration, kung saan ipinakita ang mga hakbang sa pagsasala ng malabong tubig o tubig-ulan upang maging inuming tubig.

Maaaring ikabit ang device sa isang ordinaryong timba sa bahay.

Sinabi ni Gatchalian na ginagamit na ang teknolohiyang ito sa disaster response sa Batanes at Davao Oriental sa mga nakalipas na taon.

Inihahayag naman ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ang filtration kit ay isa lamang sa maraming interbensiyon ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño.

About The Author