dzme1530.ph

SAUDI MUSIC FESTIVAL, IPINAGPALIBAN; CONCERTS NI KANYE WEST SA RUSSIA, KINANSELA

Loading

Inanunsyo ng organizer ng music festival sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng email sa ticket holders na postponed ang MDLBEAST Soundstorm Festival.
 
Ito ang latest entertainment event na ipinagpaliban, sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.
 
Ginawa ang anunsyo, isang buwan matapos kanselahin ang upcoming UAE concert ng singer na si Christina Aguilera at hiwalay na Abu Dhabi festival tampok si Shakira.
 
Samantala, kinansela naman ang dalawang planong concerts ng US rap star na si Kanye West sa Russia, wala pang dalawang buwan mula nang ianunsyo ang event na nakapukaw sa atensyon ng media at nagdulot ng excitement sa mga Russian.
 
Wala namang ibinigay na dahilan ang organizers ng concert ni Kanye hinggil sa naturang kanselasyon.

About The Author