dzme1530.ph

Sanggol, nalunod sa baha sa Padre Burgos, Quezon

Nalunod ang isang sanggol makaraang anurin ng baha sa bayan ng Padre Burgos, Quezon.

Batay sa ulat, tinangay ng tubig-baha ang paslit matapos sirain ng malakas na agos ng tubig ang kanilang bahay.

Wala nang buhay ang sanggol nang makita ang katawan nito kahapon.

Linggo ng hapon, nang itaas sa signal no. 3 ang silangang bahagi ng Quezon na ayon sa PAGASA ay inaasahang magdudulot ng minimal hanggang minor threat sa buhay at ari-arian.

Samantala, batay sa tala ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at provincial government, hanggang madaling araw kanina, mula sa isanlibo ay tumaas pa ang bilang ng mga residenteng nagsilikas bunsod ng epekto ng bagyong Aghon.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.

About The Author