![]()
Umabot sa ₱213 million na halaga ng commitment fee ang naibigay ng Department of Public Works and Highways kay Senador Jinggoy Estrada bilang proponent ng ₱855 million na halaga ng proyekto.
Ito ang inihayag ni State Witness at dating DPWH Engineer Henry Alcantara sa bail hearing ng Sandiganbayan sa kaso ni Estrada.
Sinabi ni Alcantara na ang impormasyon ay batay sa pahayag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na State Witness rin.
Ipinaliwanag ni Alcantara na 25% ang commitment fee na nakuha ni Estrada bilang proponent sa mga proyekto.
Idinagdag pa niya na ang ₱88 million ng commitment fee ay idineliver kay Estrada sa Diamond Hotel noong 2nd quarter ng 2025.
